Menu
Jun 26

Nitong mga nakaraang araw, sunod-sunod ang mga balita at mga katanungan kaugnay sa patuloy na pagbagsak ng merkado ng cryptocurrency.

Marami ang natatakot na baka bumagsak ang presyo nito sa ZERO o di kaya ay maglaho itong parang bula.

Isa sa nakikita naming dahilan kung bakit tumataas ang bilang ng mga taong natatakot na pumasok sa cryptocurrency hindi dahil sa bago ito, hindi dahil sa mataas ang presyo nito, kundi dahil sa pagtaas ng bilang ng mga KRIMEN at kaliwa’t kanang SCAMS na kung saan nagagamit ang bitcoin sa mga modus at mga ilegal na transactions.

Maging nitong nakaraang Disyembre 2017, dahil sa pagbulusok ng merkado ng cryptocurrency, marami ang nagkaroon ng pagkakataong kumita nang malaki na kung saan naging usap-usapan ito at naging dahilan nang pagtangkilik ng publiko na pasukin ito nang walang pagsisiyasat at pag aaral. Ngunit matapos ang ilang mga buwan, dahilan sa maling pagkakaintindi ng nakararami, marami rin ang nalugi dito.

Kaya naman, narito ang ilang mga payo at gabay bago mo pasukin ang industriya ng cryptocurrency nang sa gayon ay maging matagumpay at makaiwas sa mga SCAMS:

1. ARALING MAIGI ANG INDUSTRIYA NG CRYPTOCURRENCY – Siguraduhing naiintihan mo ito bago mo tuluyang pasukin hindi dahil sa nasilaw ka sa malaking kitaan kundi dahil naiintindihan mo at alam mo ang stratehiyang iyong dapat na gagamitin sa pagpasok mo dito.

Siguraduhin rin na alam mo ang mga pundasyon nito kasama na rin dito kung papaano gumawa at magbukas ng sariling bitcoin wallet, kung saan nakakabili ng bitcoin, saan mo dapat itabi upang maging secure ang iyong mga cryptocurrencies, at iba pang mahahalagang kasangkasapan nito.

2. BALANSIHEN ANG MGA POSITIBO AT NEGATIBONG MGA BALITA – Dahilan sa paglaganap ng mga ilegal na mga gawain at scams na kung saan naging sangkot ang bitcoin at iba pang cryptocurrencies, dumarami ang nagiging negatibo ang pananaw dito.

Bago maniwala sa mga balitang lumalabas sa social media, telebisyon at radyo, tanungin muna ang iyong sarili kung ito bang balitang ito ay pawang katotohanan o sadyang nagbibigay ng maling impormasyon lamang.

Tandaan na hindi lahat ng balitang lumalabas at ipinapakita sa telebisyon ay purong katotohanan. Kaya para malaman mo mismo kung ito ba ay tama, gumawa ng personal research kaugnay dito nang sa gayon ay hindi ka maging biktima ng tinatawag na “SOCIAL CONDITIONING” o “HERD MENTALITY” na kung saan sumasang-ayon na lamang tayo sa isang bagay na hindi natin naiintindihan at walang kasiguraduhan dahil mas marami ang naniniwala dito.

3. UMIWAS SA MGA “GET RICH QUICK SCHEME” programs/concepts – Dahil sa pag-ingay ng bitcoin, maraming tao ang sinamantala ang kasikatan nito na naging dahilan upang makapanlamang at makapanloko ng maraming tao.

Upang maiwasan na mabiktima ng iba’t ibang uri ng scam nang sa gayon ay hindi masayang at mawala na parang bula ang iyong pinaghirapang salapi, kung may mga taong mag-ooffer sa iyo ng mabilisang kitaan gamit ang bitcoin kagaya ng mga programang, “Double your money in 15 days.”, “10% – 20% guaranteed monthly income.”, “5% weekly return/interest.”, at iba pang “Fraud Marketing Schemes/Programs”, mabilis na umiwas sa mga ganitong klaseng programa.

Unang dahilan, hindi araw-araw ay tumataas ang value ng bitcoin kaya hindi maaaring i-guarantee ng isang indibidwal o organisasyon ang kasiguraduhang pagbibigay ng fix-income or guaranteed interest sa mga nagiging biktima nito.

At ikalawa, hindi pa ba nadadala ang publiko sa ganitong klaseng mga programa na paulit-uli na lumalaganap sa buong panig ng bansa? Marami na ang gumawa at pumasok sa mga ganitong klaseng programa, ngunit palagi pa rin na nasa huli ang pagsisisi. Nawa’y maging leksyon at maging aral sa atin ang mga naunang tumangkilik dito na umuwing luhaan at naubos ang pinaghirapan.

4. SUMANGUNI SA MGA EKSPERTO AT SA MGA NAKAKAALAM – “Ang pagkalap ng tamang karunungan upang maging matagumpay ay nasa iyong mga kamay.”

Upang maging matagumpay at nang sa gayon ay hindi maging isang biktima, mag-aral, mag aral, at mag-aral. Libre na ang internet kahit saan ka man magpunta kaya maaari mo nang makita ang lahat ng iyong gustong malaman sa isang pindot lamang.

Marami na rin ang mga organisayong tumutulong upang makapagbigay at makapagpalaganap nang financial literacy sa publiko at maging tungkol sa blockchain at bitcoin kayaga ng The Global Filipino Investors, at mga financial gurus/coaches kagaya nila Chinkee TanFrancisco ColaycoJohn Calub,Robert Kiyosaki at iba pa.

Maging mapanuri at alerto sa mga impormasyong natatanggap at nakikita natin sa araw-araw. Sa huli, tayo pa rin ang magdedesisyon at gagawa ng daan patungo sa ating tagumpay.

For more tips, like us at 👇👇👇
https://www.facebook.com/jtcrypexacademy

Follow

About the Author

Jonathan Tinoco is an educator, a trainer, a public speaker, a cryptocurrency advocate and investor whose advocacy is people empowerment and wealth creation.

>